Martes, Abril 21, 2015

Purpose





Lumilipas ang mga araw na parang wala lang, gigising sa umaga, mag-aayos sa pagpasok sa eskwela, magkaklase, uuwi ng bahay, kakain ng hapunan, matutulog, at panibagong umaga na naman ang kakaharapin mo na paulit-ulit mo na namang gagawin ang mga araw-araw mong ginagawa. Sa totoo lang nakakasawa na kasi walang nangyayaring bago. Lagi kong tinatanong ano bang silbi ng buhay, e paulit-ulit lang naman ang nangyayari sa akin. Lumilipas ang mga araw, buwan, at taon na ganoon pa rin nasa bahay pa rin ako, gigising sa umaga, gagayak pagpasok sa eskwela, uuwi sa bahay, gagawa ng mga gawaing bahay at matutulog. Pero isang umaga nagising na lang ako, na ilang buwan na lang magna-19 na pala ko, na dalawang buwan na lang pala gagraduate na ko ng college, na sa mga susunod pa palang mga araw haharapin ko na ang mas mahirap na buhay. Sa lagi kong pagtatanong kung ano nga bang patutunguhan ng buhay ko wala akong nakukuhang sagot. Walang nakakaalam kung anong plano satin ng panginoon, pero dapat lagi tayong magpasalamat sa kanya/panginoon na araw-araw tayong gumigising, may mga nagagawa pa tato at kahit di man natin alam ang patutunguhan o pupuntahan natin, kumapit at umasa lang tayo sa kanya, ang ating panginoon diyos dahil sya lang ang nakakaalam ng lahat at gagawin nya kung anong makabubuti sa atin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento