Mga bagay na gustong ikwento pero hindi mabigyan ng pagkakataon. Tahimik nga kasi ako maniwala kayo !!!
Martes, Abril 14, 2015
Go #5 !!!
Sa buhay ng tao maraming bagay ang nararanasan natin. Masaya, malungkot, at marami pang iba. Pero sa buhay ng tao may isang bagay na hindi mawawala o hindi mararanasan ng isang tao mapa-boy, girl, bakla, o tomboy ka man ano man ang edad mo. At ito ay ang magka-CRUSH :D
Sa isang pagkikita namin ng aking kaibigan meron syang nakwento sa akin na tumatak sa aking isipan. At ito ay ang kanyang crush. habang nagkwekwento sya nakikita ko na totoo ang kanyang nararamdaman, may saya sa kanyang mga mata, at kinikilig pa sya. Sa kanyang kwento niyaya daw sya ng kanyang mga kaibigan na manood ng liga sa kanilang barangay. "Dahil sa hindi naman madalas na lumabas ng bahay ang aking kaibigan wala siyang alam na may liga pala sa kanilang barangay at hindi naman siya interesado sa basketball o sa liga kaya tumanggi sya nung una. Nang sumunod na araw, habang nagkwekwentuhan sila ng mga kaibigan nya hindi sya maka-relate dahil ang nagdaang liga ang pinag-uusapan ng mga ito. Nang sumunod na araw niyaya ulit sya ng mga kaibigan nya na manood at dahil curious sya sa mga pinag-uusapan ng mga ito sumama syang manood ng liga. Sa pagdating nila sa court maingay, at marami at malalakas na sigaw ang kanyang naririnig, maraming tao ang nagkakagulo at hindi magkamayaw sa tuwa at sa pag-hiyaw. Nang tumingin sya sa gitna kung saan may naglalaro ng basketball nakita nya na puro kabataang lalaki na nasa edad 15-30 ang naglalaro. Napukaw ang tingin nya sa isang taong naglalaro na halos hinihiyawan ng lahat ang lalaki na naka-jersey no.5. Hiyawan ang mga tao tuwing ito ang nakaka-shoot ng bola "GO NO.5 !!!". Matangkad, maputi at maamo ang mukha ng lalaki na nakasuot ng jersey no.5 mga nasa 17-20 years old ang makikitang edad ayon sa kanyang mukha. Mula ng araw na yun lagi nang nanonood ng liga ang kaibigan kong yon. At ang lagi kong tanong sa kanya at sa iba tuwing magkwekwento sya tungkol kay no.5 totoo ba o pwede ba talagang magka-crush sa taong ni hindi mo kilala ang ugali at ni hindi mo pa nakakausap ni hindi mo pa naririnig ang boses. I mean nagkaka-crush ka naman talaga sa taong minsan mo lang makita at hindi mo naman kilala pero ang tanong ko sa kaibigan ko "CRUSH PA NGA BA YAN ???"
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento