Miyerkules, Mayo 6, 2015

Contentment vs Fulfillment







I think wala namang taong nakokontento sa buhay. Oo, maraming nagsasabi na maging ganito o maging ganyan o makuha ko lang yung ganitong bagay kuntento na ko. Pero para sakin walang taong nakokontento. Pangit sa pandinig na ang tao walang kakontentuhan but that's reality. Ang tao hindi nakokontento. Para sakin ang nararanasan ng tao kapag may nakuhang gusto nyang bagay ay Fulfillment. Ano bang pinagkaiba ng contentment sa fulfillment ? Ang fulfillment once na may nagawa o may nakuha kang isang bagay na gustong-gusto mo para sakin fulfillment yun, ang contentment hindi ko alam , para sakin wala namang nakakaranas nun. Pero hindi naman porket sinabing walang kakontentuhan ang tao ay negative na yun. Nagiging masaya naman ang mga tao kapag yung mga gusto nilang bagay ay nagagawa nila at nakukuha  nila at doon nila nasasabi na kontento na sila. Pero tandaan natin na ang pagbabago lang ang permanente sa mundo. At hanggat may pagbabago laging may hihilingin o may gugustuhim ang mga tao kaya hanggat may pagbabago walang taong makokonento o magi-stick sa kung ano man ang meron sya dahil patuloy tayong may mga kakailanganin na bagay na sa paglipas ng panahon ay nagiiba-iba.

1 komento: